18 C
Sydney
Saturday , 18 January 2025

16 na “Lifetime Members” nilaglag

Must read

Di raw lehitimong miyembre ang di nagbabayad ng membership fee

Ang 16 na miyembro ng Concerned Members of Philippine Fiesta of Victoria Inc (CMPFVI) na pinamumunuan ni Maina Walkley ay hindi mga lehitimong miyembro ng Philippine Fiesta of Victoria Inc (PFVI). Tanging ang mga nagbabayad na miyembro lamang ang dapat konsultahin ng pamunuan ni Ross Manuel at hindi ang media, mga grupong may pansariling interes, mga taong hindi miyembro ng Fiesta, mga organisasyon at grupo o ang buong komunidad ng Filipino. Ito ang mariing pahayag ni Ian Finch, ang abogado nina Manuel, sa panayam ng The Philippine Times na kanyang sinagot noong 28 Hulyo 2013. Bilang abogado, si Finch ang sumasagot sa lahat ng komunikasyong sa ngalan ni Manuel.

gerry ocampo stresses a pointAng 16 na Concerned Members na sinasabi ng kampo ni Manuel na hindi miyembro ng PFVI ay sina Maina Walkley, Eddie Atacador, Noel Tolentino, Billy Velasco, Elmer Ragel, Gerry Ocampo, Alex Ordoña, Philip Salanguit, Tony Lugo, Francis Dizon, Roy Carbungco, Bing Jaraba, Ellen Oftial, Remy Raquel, Hugo Espineda, at Rolly Hernandez.

Sa resolusyong ibinaba ni Manuel noong 30 Hunyo 2013, lumalabas na dahil hindi nagbabayad bilang miyembro ang 16 na Concerned Members, wala silang karapatan makialam sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon, bumoto o magpatawag ng espesyal na pagpupulong. Limang taon rin silang pinagbabawalang maging miyembro ng Fiesta dahil diumano sa kanilang panggugulo sa administrasyon nina Manuel.

Ang 16 na ito, kasama pa ang karamihan sa kasalukuyang opisyales ng PFVI, ay nabibilang sa mga nagtataglay ng Lifetime Membership. Ang  Lifetime Membership ay sinimulan noong 1997 bilang pagbibigay pugay sa mga miyembro na naglingkod at nagbigay ng malaking kontribusyon sa pamamalakad ng Fiesta. Ang isa benepisyo nito ay hindi kailangang magbayad bilang miyembro ng PFVI.

READ  Rain or shine, it’s fiesta time!

espenidaSamantala, hindi nagbigay ng detalye sina Walkley sa mga hakbang na kanilang ginagawa subalit  sinabi nyang ang pagkakaalis sa kanila bilang miyembro ay pagbabale-wala sa karapatan ng mga miyembro na magpahayag ng kanilang karapatang magsalita tungkol sa pamamalakad nina Manuel. Hindi rin, aniya, nila papayagan na matuloy ang pagbebenta ng ari-arian sa Laverton. Karamihan sa kanila ay naging instrumento sa pagbili ng ari-arian sa Laverton.

Sa panayam, sinabi ni Finch na positibo lamang ang resulta ng kanilang aksyon nitong  mga nakaraang buwan at hindi nila ipagpapawalang bahala ang maling paratang at gawain ng mga taong may lihim na layunin. Ginagawa nina Manuel ang kanilang trabaho at magkakaroon ng Filipino Community Centre sa lalong madaling panahon at ito ay isang proyektong kayang tustusan ang sarili.

Tuloy ang Fiesta sa Nobyembre 23-24

Sa pinadalang impormasyon ni Mario Dumrique, Sekretarya ng PFVI, tuloy ang Philippine Fiesta. Ito ay gaganapin sa ika-23-24 ng Nobyembre 2013 sa Melbourne Showgrounds at may temang: “Tulungan: sa isip, sa puso at sa gawa”.

fiesta flyer

“People Power to Save the Laverton Proper

Fundraising to Save PFVI Laverton Property-page-0Sa kabilang banda, ang grupo nina Walkley ay magkakaroon ng “People Power to Save the Fiesta Laverton Property”, isang Bush Dance upang makalikom ng sapat na pondo para hindi maibenta ang Laverton property. Ito ay gaganapin sa ika-31 ng Agosto 2013 ala-sais y medya ng gabi sa Church Hall of Our Lady Help of Christian, Nicholson at Barkly Streets sa Brunswick.

Ayon kay Walkley, tumatayong lider ng CMPFVI, ang layon nito ay upang ipakitang ang Laverton property ay dapat ma-preserba at huwag maibenta. Nais rin ng grupo na ibalik ang integridad ng Philippine Fiesta bilang responsableng organisasyong Filipino. Ang lahat ng kanilang ginagawa, aniya, ay para sa susunod na henerasyon dahil kung hindi ito pahahalagahan ng mga Filipino ngayon ang PFVI at ari-arian sa Laverton, walang ibang magpo-protekta dito.

More articles

1 COMMENT

  1. Masyado nanpong nagiging katawatawa ang mga actividades nitong 16 concerned members kuno…Una ay ang ‘failed or nabigong pag kukudeta nila nng tangkain nilang pwersahang patalsikin ang current management committee ng Philippine fiesta na syang may karapatang mamamhala sa operasyin ng association dahil sila ang mga ibinoto ng mga myembro. Ngayon naman po ay nagbabalak naman sila ng isang ‘fund raising’ para sa isang people power kuno! Di po ba ginagawa nilang katawatawa ang kanilang mga sarili at wala na po silang alam na gawin para mailuklok ang kanilang mga sarili na mamahala ng orgainsasyon without the due process of election. Sa aking pagkakaalam, ang Laverton po ay HINDI MAWAWALA! Kaya yung kanilang theme na save Laverton ay isang katawa tawang ‘pamagat’. Ito po in my view is to be modernised with a plan to build a Community Centre para po serbisyuhan ang ating mga kababyan! Bakit po nila ito tinututulan? Dahil po ba may mga personalities within the 16 members na may vested interest sa property? Sa ating mga masugid na mambabasa ng Philippine Times..huwag po tayo magpapadaya sa mga sinasabi ng mga ito para magamit tayo to advance their ulterior motives. Ang pagkakaalam ko rin po ay ilan sa mga myembro ng 16 na ito ay Gusto ring ibenta ang property noong panahon na sila ang namamahal ng asosasyon..bakit biglang nagbagong ihip ng hangin! Dahil po ba na hindi sila ang mga nakaupo ngayon? Ito rin po ba ang dahilan kaya ‘by hook or by crook’ gusto nilang agawin ang poder ng management committee? Gusto po ba ba nila na sila ang magsulong ng pagbebenta? Ito ay taliwas sa sinasabi nilang ‘save Laverton, Ang LAVERTON PO AY HINDI MAWAWALA..KAYA WALA PO TAYONG DAPAT I SAVE..BAGKUS AY SUPORTAHAN NATIN ANG MGA ADHIKAIN NG ASOSASYON SA PAMUMUNO NI MR ROSS MANUEL SAPAGKAT ANG MAKIKINABANG PO ULITIMATELY ARE THE FILIPINO COMMUNITY MEMBERS, BAKIT PO? DAHIL MAGTATAYO PO NG ISANG COMMUNITY CENTRE..SO MULI PO, HUWAG PO TAYONG MAGPAGAMIT SA SINASABING PEOPLE POWER NA ITO..SAPAGKAT ITO RIN PO ANG THE VERY PEOPLE WHO FAILED IN THEIR BID TO TOPPLE THE DULY ELECTED AND LEGITIMATE MANAGEMENT COMMITTEE..MABUHAY PO ANG FILIPINO..MABUHAY TAYONG LAHAT..!!,

Comments are closed.

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article