Tuesday, September 30, 2025

$2 milyon ang pamumuhunan ng Multilingual NSW para pahusayin ang mga serbisyo ng wika

Sa International Translation Day, nasisiyahan ang Pamahalaan ng NSW na ipahayag ang isang $2 milyong pamumuhunan ng Multilingual NSW. Ito ay isang natatanging programa na dinisenyo upang makapaghatid ng matatag na suporta sa pagsasalin-wikang pasalita at pasulat (interpreting and translation) para sa lahat ng mga komunidad sa buong estado.

Ang Multilingual NSW ay magpapahusay sa paggamit ng mga mataas na kalidad na serbisyo sa wika sa pamamagitan ng dalawang mahahalagang inisyatiba:

  • Multilingual NSW Academy – nakatuon sa pagpapabuti ng pamantayan ng industriya sa pamamagitan ng patuloy na pagpapahusay ng kasanayan at pagpapadami sa bilang ng mga kwalipikadong propesyonal sa mga wikang may mataas na pangangailangan.
  • Whole-of-Government Translation – nagbibigay ng mga serbisyo sa pagsasalin na may subsidiya upang matiyak na ang mga programang pinakamahalaga ay nakakarating sa magkakaibang madla sa lahat ng mga plataporma ng media.

Ang pamumuhunang ito ay sumusuporta sa pangako ng Pamahalaan ng NSW na gibain ang mga hadlang sa wika at matiyak na ang napakamahalagang impormasyon ay nakakarating sa lahat ng tao sa New South Wales.

Sa nakaraang financial year, ang programa ay:

  • Nakapaghatid ng mahigit 30 mga kurso ng pagpapahusay ng kasanayan para sa mga interpreter at mga translator, kung saan ay mahigit 4,700 ang nakakumpleto sa kurso.
  • Ipinagkaloob ang 248 mga scholarship sa wika, na nagpalawak sa mga kasanayan at bilang ng mga kwalipikadong propesyonal.
  • Sinuportahan ang pagsasalin ng mga pangunahing kampanya ng Pamahalaan ng NSW sa pinakamahalagang mga isyu, kabilang ang pabahay, crisis communications, at karahasan sa tahanan at sa pamilya, na naihatid sa pamamagitan ng paglalathala, radyo, telebisyon, social media, at mga papel pangkaalaman.

Ang Multilingual NSW ay isang programa ng Multicultural NSW. Ang $2m pamumuhunan ay pinondohan mula sa 2025/26 budget.

Hot this week

Upright vs. Counter-Underbench Refrigeration: Which Is Best for Your Kitchen?

When it comes to running a busy commercial kitchen,...

Multi-Zone Kitchens: Creating Distinct Spaces for Cooking, Dining & Entertaining

The modern kitchen is no longer just a place...

The Most Common Marriage Problems Couples Face and How to Spot Them Early

Every relationship has its highs and lows, but when...

Common Myths About Knockdown Rebuilds (and the Truth Behind Them)

For many homeowners, the idea of starting fresh with...

Common Mistakes to Avoid When Buying Property Abroad

Buying property overseas is an exciting opportunity—whether for lifestyle,...

Topics

The Most Common Marriage Problems Couples Face and How to Spot Them Early

Every relationship has its highs and lows, but when...

Common Myths About Knockdown Rebuilds (and the Truth Behind Them)

For many homeowners, the idea of starting fresh with...

Common Mistakes to Avoid When Buying Property Abroad

Buying property overseas is an exciting opportunity—whether for lifestyle,...

How to Transform Your Home into a Christmas Wonderland on a Budget

There’s something magical about walking into a home during...

Spotting Early Signs of Termites in Australian Homes: A Comprehensive Guide

Termites are silent invaders that can cause significant damage...

Australian property leaders honoured at 8th PropertyGuru Asia Property Awards

Australia’s finest developers and projects were celebrated at the...

Related Articles

Popular Categories

spot_img