- Ang iyong dibdib ay napaso sa init ng lumalagablab na galit
- Marahil napagod na rin sa kaaasang ang hustisya’y makamit;
- At di na papayag pang muling maging kaawa-awang alipin
- Sa mga dayuhang ninakaw ang yaman at maging dangal natin.
- Sumubok lumaban at itinaas ang bolong sagisag ng katapangan,
- Kung maikli man ang tagumpay o sawi ang kapalaran
- Dinig ng langit ang iyong pusong naghihinagpis at kalungkutan.
- Kung nagkamali man ang iyong kapatirang binuo ng iyong pawis
- At nagkanulo ang katipunang inakay mo sa iyong sugatang bisig
- Para saan pa ba ang buhay mong sa baya’y inibig?
- At ang bantayog mong nababad sa init ng maghapon at magdamag
- Nawa’y hindi malimot ng bawat Pilipino ang inalay mong buhay at kamatayan.
Labing-dalawang Rosas Para Kay Bonifacio
Popular Categories


