Wednesday, December 17, 2025

Maghintay Ka Lamang

Ang tulang ito ni Rado Gatchalian ay alay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, bilang pagpapatuloy ng kanyang layunin na makapag-ambag sa pagpapayaman at pagbibigay-halaga sa wikang Filipino para sa Filipino-Australian diaspora. Sa pamamagitan ng makukulay na talinghaga, binibigyang-kalayaan ng makata ang bawat mambabasa na bigyang-buhay at sariling pakahulugan ang kanyang tula – maaari itong magkaroon ng iisa, dalawa, o higit pang kahulugan, ayon sa sariling damdamin at pananaw ng bumabasa.

Tula ni Rado Gatchalian

Kung paanong ika’y iniwan
gaya ng paslit sa lansangan,

Magbabalik din

Gaya ng isang paru-parong
dadapo sa iyong tuyong labi.

Wag kang magulat,
tanggapin mong muli
nang maluwag sa iyong dibdib;

Kung masakit pa rin sa kalooban,
hayaan mo’t kusang
mapapawi gaya ng takipsilim.

Siguro gaya ng tulang
naglalaro ng tagu-taguan,
Dadalhin ka sa isang

Unibersong walang mahirap,
walang mayaman,
lahat ay pantay-pantay.

Maghintay ka lamang.

Maghintay ka lamang
sa mga gabing walang hinaing,
at tanging hiling ay pasasalamat;

Sa katahimikang nanunuyo,
wag kang bibitaw, wag kang susuko.

Maghintay ka lamang.

Maghintay ka lamang
at gaya ng paru-paro sa hardin,
lalakbayin mo ang mga bulaklak,

Maging sa kalawakang
ang mga bitui’y naghihintay
sa iyong sabik na pagdating.

Maging sila’y naghihintay din.

Rado Gatchalian
Rado Gatchalian
Rado Gatchalian, KCR is a member of the Order of the Knights of Rizal. He was the Past Eastern Australia Area Deputy Commander. He is known in the Filipino community in Sydney as “The FILOsopher,” a Filipino who loves to philosophise. 

Hot this week

2-Bedroom Makati Condo for Sale – San Lorenzo Place Tower 1

Tower 1, Unit 8I – Don Chino Roces Avenue...

Single vs Double Carports: Which Do You Really Need?

Owning a car is one of the great conveniences...

What to Look for Before Buying a Rural Property

Whether you want the peace and privacy of wide-open...

Preparing Your Home for Queensland’s Wild Weather with Roo Roofing

Storm season has well and truly arrived in Queensland,...

Topics

2-Bedroom Makati Condo for Sale – San Lorenzo Place Tower 1

Tower 1, Unit 8I – Don Chino Roces Avenue...

Single vs Double Carports: Which Do You Really Need?

Owning a car is one of the great conveniences...

What to Look for Before Buying a Rural Property

Whether you want the peace and privacy of wide-open...

Preparing Your Home for Queensland’s Wild Weather with Roo Roofing

Storm season has well and truly arrived in Queensland,...

Why Sentani Is Becoming the Go-To Formal & Wedding Dress Shop in Brisbane

Finding the perfect dress for life’s most meaningful moments...

YG Christmas celebration keeps Filipino traditions alive through giving

John Pandazopolous Hall in Doveton, Victoria was once again...

Related Articles

Popular Categories