18.2 C
Sydney
Saturday , 23 November 2024

“Palayain natin ang ating damdamin sa malayang pakikiisa,” Philippine Consul Felix Pintado

Must read

Alice Nicolas
Alice Nicolas
Alice Gregorio Nicolas is the publisher of The Philippine Times.

(Editor’s note: Speech delivered by Philippine Honorary Consul to Victoria Felix Pintado during the 117th Philippines Independence Day celebration spearheaded by the Filipino Community Council of Victoria and the Philippine Australian Foundation Inc. The event was held last 6 June 2015 at Grand Star Reception in Altona North)

Mga minamahal kong kababayan, Magandang Gabi po sa inyong lahat!

Sa pagdaraos po ng ika-isang-daa’t labimpitong taong pagdiriwang ng kalayaan ng minamahal nating bansang Pilipinas, ay iniuukol ko po sa araw na ito ang aking pagbati sa lahat ng mga Pilipino, mga Australyano-Pilipinong pagka-mama-mayan, at kasama na po ang mga tunay na lahing mga Australyano na nag-alay ng panahon upang makasama tayo sa pagdaraos ng selebrasyon ngayong araw na ito.

Dahil dito’y buong puso kong binabati Kayong lahat at ang ating bansa ng isang MALIGAYANG BATI SA ARAW NG ATING KALAYAAN!

Ang kalayaan po ay hindi lamang sa panahon ng labanan, hindi lamang sa panahon ng pagkapiit sa preso, kundi higit po sa lahat, ay ang kalayaan sa ating pagkakapiit sa ating sariling pakikipag-kapwa.

READ  Bollywood to help dogs in Australia, PH

Palayain natin ang ating damdamin sa malayang pakikiisa, pakikipagkaibigan, at higit sa lahat sa pakikipagtulungan bilang magkapatid sa buhay na ito, sa pmamagitan ng mabuting pananalita, at gawa, kung may mga problemang dumarating sa ating pamayanan.

Ang pakikipaglaban ng ating mga ninuno ay hindi lamang upang palayain ang ating bansa at mga mamamayan, kundi ang kalayaan ay hinangad ng ating mga ninuno upang ipagmalaki at paunlarin natin ang ating sariling lahi, nang makilala tayong may halaga sa pagiging tunay na Pilipino, magiging isang halimbawa o modelo, sa pagpapa- unlad- kahit saang dako man ng mundo tayo mapadpad.

Magandang gabi po sa ating lahat!

More articles

- Advertisement -

Latest article