Monday, November 24, 2025

Pangalagaan ang Katotohanan at ang Halalan

Ang sistema ng eleksyon sa Australia ay isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan sa mundo, at ang bawat botante ay may tungkuling pangalagaan ito.

Maaaring may marinig kang hindi totoo o mapanlinlang na impormasyon tungkol sa proseso ng eleksyon.

Mahalagang tumigil at isipin ang nilalaman at pinanggalingan ng iyong nakikita, naririnig o nababasa.

I-tsek ang nilalaman – hanapin ang:

  • emosyonal na lengguwahe na nagiging sanhi ng malakas na mga pakiramdam, katulad ng pagkasindak, galit o tuwang-tuwa
  • pag-uugnay ng dalawa o mahigit pang mga argumento na di nagkakaroon ng saysay
  • pagpapakita ng maliit na bilang ng mga mapagpipilian sa halip ng lahat ng mga ito.
  • paninisi sa isang partikular na grupo o tao na hindi lamang ang tanging tao o grupo ang may pananagutan
  • pang-aatake sa tao sa halip na magpokus sa argumento
  • pagtatago ng hindi totoong mga pinagsasabi/pahayag na ginamit lang ang mas maraming pagtatanong
  • agresibong mga pinagsasabi o pinipili ang ilang mga totoo o bahagi ng kuwento na hindi inilalabas ang lahat ng impormasyon.

I-tsek ang pinanggalingan:

  • Saan nanggaling ang impormasyon? Ito ba ay mapagkakatiwalaang lugar?
  • Paano ito ginawa? Ginagawang madali ng teknolohiyang AI ang paglilikha ng hindi wastong text, mga larawan, video at audio.
  • Kailan ito inilathala? Kung minsan ang lumang impormasyon ay maaaring magmukhang bago.
  • Bakit ito inilathala? May dahilan kaya na maaaring may isang taong nagtatangkang kumbinsihin ka tungkol sa isang bagay na hindi totoo.
  • I-tsek ang website ng AEC para nalaman mo ang totoo at hindi totoong impormasyon tungkol sa:
  • Kung paano magkumpleto ng balotang papel
  • kailan boboto
  • paano gumagana ang mga preperensiya
  • paano binibilang ang mga boto
  • paano pinagpapasiyahan ang resulta
  • seguridad, pagsisiyasat at iba pang mga pananggalang

Tayong lahat ay kabahagi ng pananagutan upang maprotektahan ang integridad ng sistema ng ating eleksyon. Suportahan ang iyong mga kaibigan, pamilya, at komunidad sa pamamagitan ng paghikayat sa kanila na mag-ingat sa pagtanggap ng impormasyon.

Para sa karagdagang mga payo, bisitahin ang AEC.gov.au/translated

For more advise, visit aec.gov.au/translated

Produced in partnership with the Australian Electoral Commission, 10 Mort Street, Canberra.

Ginawa sa pakikipagtulungan sa Australian Electoral Commission, 10 Mort Street, Canberra ACT 2601.

Hot this week

Australia Philippines Business Council Celebrates 50 Years of Bilateral Partnership

The Australia Philippines Business Council (APBC) marked its 50th...

Australian Government urges Schoolies travelling overseas to celebrate safely

Young Australians heading overseas for Schoolies are being urged...

​​The challenge: 35 years of keeping the flames alive

I still remember that first meeting in August 1990...

St Jude’s Parish Multicultural Festival Brings Communities Together

Weeks of preparation culminated in a joyful Multicultural Day...

Buying Your First Bike? Here’s How to Tell If You’re Truly Ready

Buying your first motorcycle feels like a milestone —...

Topics

Iloilo-led mission showcases Philippines–Australia ties across Perth and Melbourne

Perth hosted the first leg of the landmark Philippines–Australia...

Royals Basketball becomes the first SBP Global Affiliate Partner in Australia

Royals Basketball, based in New South Wales, has made...

Related Articles

Popular Categories