21.1 C
Sydney
Thursday , 21 November 2024

Awit ng Migrante: Bayan Mo, Bayan Ko

Must read

Bayan kong sinilangan,

Bayan kong pintuho. 

Ako ay aalis,

Iiwan ang puso.

Sa bawa’t pag-alis,

Sa bawa’t paglayo,

Puso,  diwa’t damdamin,

Sikil ang siphayo.

Subalit ano ito? 

Sa Lunsod at bayan,

Ng Banyagang Lupa.

Waring aking nakikita 

Ang iyong sanghaya.

Di makatkat sa diwa

Ang masasayang araw 

Luha, lungkot, luwalhati at ligaya

Sa piling mo, O bayan kong sinta.

Laging bumabalik, nagbabangon 

Sa damdami’t gunita… 

Sa bagong lupaing

Tigib ng pag-asa… 

O, bayan kong sinilangan 

Lupa kong hinirang.

Bayan mo, Bayan ko

Di ka tatalikdan.

Laging nakadambana, 

Dito sa aking dibdib,  

Magpakailanman. 


Ang tulang ito na isinulat ni G. Manny G Asuncion maraming taon na ang nakararaan ay kanyang binigkas sa isang pagtitipon kasama si Ambassador Hellen De La Vega noong ika-30 ng Hulyo 2022 sa Footscray bilang alay sa pagdiriwang ng Buwan Ng Wika ngayong Agosto 2022.


PHOTO: Angelito Valdez Jr Photography


READ MORE

Filipinos in Victoria ‘Meet and Greet the Ambassador’

READ  Philippine Rugby Triumphs Over Malta in Thrilling Double Victory

‘AUSTRALYANG MARILAG’: Learn the Australian National Anthem in Tagalog

Karayom sa dayami


More articles

- Advertisement -

Latest article