22.2 C
Sydney
Friday , 6 December 2024

Balagtasan 2021: Kalikasan o kaunlaran, magkatuwang ba o magkalaban?

Must read

Jinky Marsh
Jinky Marsh
Jinky Trijo Marsh is an actor (stage, screen and voice), media producer, radio presenter and vocalist. She is also a registered dental health practitioner and active community oral health educator. Contact Jinky via her website, https://www.jinkymarsh.com.

Ihahatid ng Samahang Tagalog sa Australya (Tagalog Association of Australia – TAA) ang Balagtasan 2021 kung saan paglalabanan ng mga mambabalagtas ang proposisyong ang Kalikasan o ang Kaunlaran ay magkatuwang o magkalaban. Ang paksang ito ay isang ulit ng pagtatanghal nuong taong 2018 na nakatanggap ng mga mahuhusay na pagsusuri. Sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa komunidad, ang Balagtasan ngayong taon ay itatanghal sa radyo pihitang 98.5FM Pinoy Radio sa dalawang bahagi na mapapakinggan sa pahina ng TAA sa Facebook.   

Ang una ay gaganapin sa ika-9 ng Agosto, Lunes mula ika-8 ng gabi hanggang ika-9 ng gabi na isang bukas na pagtitipon ng pamunuan ng TAA, mga mambabalagtas at mga kalahok na mga kabataang Australyanong Pilipinong maghahandog ng kani-kanilang husay sa pagtugtog ng kani-kanilang instrumentong byolin, gitara at flauta. Ang mga katutubong awiting tutugtugin ay ang Bahay Kubo, Magtanim Ay Di Biro at Ili-Ili Tulog Anay. Ang mga kabataan ay kinabibilangan nina Timothy Isaac Paulino (7 taong gulang), Benjamin Zachary Paulino (12 taong gulang), Juliana Carvajal (11 taong gulang) at Cameron Joshua Marsh (10 taong gulang). Magbibigkas din ng tula si Ginoong Rado Gatchalian kasama ang musika ni Ginoong Rene Tinapay. Magdaragdag din ng aliw na musika at katutubong awit si Ginang Lillian Delos Reyes. Mayroon ding mga panuhing pandangal na namimbita mula sa Pilipinas na magpupugay sa pagtatanghal. 

Ang pangalawang bahagi ng pagtatanghal ay ang aktwal na Balagtasan sa ika-10 ng Agosto, Martes mula ika-9 ng gabi hanggang ika-10 ng gabi. Ang mga mambabalagtas sa taong ito ay mula sa Sydney, Melbourne at Ohio. Sa panig ng Kalikasan, ang magbabalagtas ay kinabibilangan nina Ginoong Ross Aguilar, Ginoong Obet Dionisio, Ginang Violi Calvert at Ginoong Arlan Fajardo. Sa panig naman ng Kaunlaran, ang mga mambabalagtas ay sina Ginoong Rado Gatchalian, Ginoong Cesar Bartolome, Ginang Daisy Cumming at Ginoong Alwyn Galela. Si Ginoong Danilo Peralta na unang pangulo ng TAA ang siyang magsisilbing Lakandiwa. Bago ang aktwal na Balagtasan ay mapapakinggan natin ang mga mensahe ang ating kagalang-galang na Embahador sa Austalya na si Ginang Ma Hellen Barber Dela Vega at Konsul Heneral ng Sydney na si Ginoong Ezzedin Tago. Ang pagtatanghal sa Pinoy Radio 98.5FM ay ihahatid nina Ginoong Ross at Ginang Cecille Aguilar sa tulong na teknikal ni Ginoong Eric Maliwat.

READ  Filipino-Australians in SA helps needy community members

“Hindi lamang sa dinaranas nating pandemya na COVID-19 na matutuhan ng mga kabataang lumaki at ipinanganak dito sa Australya. Ito ay dapat maituro ng mga magulang sa kanilang mga anak ang wikang Pilipino. Malaki ang maitutulong ng mga magulang, pag sasanib pwersa ng gobyerno ng NSW na maging isang asignatura ang wikang Pilipino na mapag-aralan sa eskwelahan at lalong-lalo na ang kapwa nila mga bata na maaring mahubog ang matatas na pagsasalita ng Tagalog habang sila’y lumalaki. Sa pamamagitan ng mga kulturang programa na inihahandog ng mga asosasyong Pilipino katulad ng Balagtasan ng TAA, ang katutubong mga sayaw at awit ay nakapagbibigay ng halimbawa sa mga batang dalawa hanggang ikatlong henerasyon na halos dito na sa Australya ipinanganak at lumaki upang maintindihan nila ang tunay na kultura ng mga Pilipino,” ani Ginoong Danilo Peralta, Unang Pangulo ng TAA at Lakandiwa

“Sa aking mga kababayang Pilipino dito sa Australya, muli nating ipagdiriwang ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa. Ang wikang Pilipino na halos hinango sa wikang Tagalog at alam na salita sa buong bansang Pilipinas ang siya nating kinikilala bilang wikang pambansa. Nararapat lamang na ating panatilihing buhay ang wikang ito sa mga susunod nating henerasyon dito sa Australya upang tayo ay magkaroon ng sariling pagkakakilanlan hindi lamang sa anyo na nagbabago sa pagkakahalo-halo ng iba’t ibang lahi kundi sa wikang ating nauunawaan. Ugaliing gamitin ang sariling wika sa ating mga tahanan at sa lahat ng pagkakataon na tayong mga Pilipino ay nagkakasama-sama upang ito ay mapanatili at matutuhan ng lahat ng may kaugnayan sa ating inang bayang Pilipinas. Maraming salamat po at lubos na sumasainyo,” ayon kay Ginoong Cesar Bartolome, Pangulo ng TAA 2020-21

Previous article
Next article

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article