May kilalala ka ba sa ating komunidad na nagpapakita ng napakahusay na pamumuno, nagpapakilala ng mga pagbabago at nakikipag-ugnayan sa komunidad para sa kaunlaran ng pagkakaisa ng lipunan sa buong NSW?
O may kilala ka bang tao na nararapat mabigyan ng posthumous na pagkakilala dahil sa kanilang ipinamanang ginawa para sa kabutihan ng multikultural na komunidad ng NSW?
Kung gayon ay i-nominate sila para sa 2025 Multicultural Community Medals at Honour Roll.
Ang mga magagawaran ng medalya at kasapi sa listahan ng karangalan ay ipakikilala sa 2025 Premier’s Harmony Dinner, isang marangyang kaganapan sa gabi na dadaluhan ng mga 1600 na panauhin para ipagdiwang ang mga makabuluhang ginawa ng mga multikultural na lider sa buong NSW.
Ang taunang kaganapan na ito ay nagdiriwang sa ating mayamang sari-saring kultura at ang kanilang makasaysayan at kasalukuyang impluwensya sa NSW.
Sa 2025, magkakaroon ng bagong kategorya – ang Multicultural Youth Support Medal – na kikilala sa isang tao o samahan na nagbuo ng isang programa o inisyatiba sa komunidad upang masuportahan ang mga batang nagmula sa magkakaibat-ibang kultura at wika na may disbentahe, kabilang na ang mga refugee o sa parang refugee na pamumuhay.
Kasama sa mga kategorya ng gawad 2025 ang:
- Regional Unity Medal
- Interpreters and Translators Medal
- Community Languages Teacher Medal
- Stepan Kerkyasharian AO Community Harmony Medal
- Lifetime Community Services Medal
- Carla Zampatti Arts and Culture Medal
- Multicultural Not for Profit Medal
- Human Rights Medal
- Dr G.K Harinath OAM Sports Medals
- Multicultural Youth Support Medal
- Multicultural Honour Roll
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga award at honour roll, pati kung paano mag-nominate, mangyaring bumisita sa: multicultural.nsw.gov.au/multicultural-community-medals/