Wednesday, October 29, 2025

16 na “Lifetime Members” nilaglag

Di raw lehitimong miyembre ang di nagbabayad ng membership fee

Ang 16 na miyembro ng Concerned Members of Philippine Fiesta of Victoria Inc (CMPFVI) na pinamumunuan ni Maina Walkley ay hindi mga lehitimong miyembro ng Philippine Fiesta of Victoria Inc (PFVI). Tanging ang mga nagbabayad na miyembro lamang ang dapat konsultahin ng pamunuan ni Ross Manuel at hindi ang media, mga grupong may pansariling interes, mga taong hindi miyembro ng Fiesta, mga organisasyon at grupo o ang buong komunidad ng Filipino. Ito ang mariing pahayag ni Ian Finch, ang abogado nina Manuel, sa panayam ng The Philippine Times na kanyang sinagot noong 28 Hulyo 2013. Bilang abogado, si Finch ang sumasagot sa lahat ng komunikasyong sa ngalan ni Manuel.

gerry ocampo stresses a pointAng 16 na Concerned Members na sinasabi ng kampo ni Manuel na hindi miyembro ng PFVI ay sina Maina Walkley, Eddie Atacador, Noel Tolentino, Billy Velasco, Elmer Ragel, Gerry Ocampo, Alex Ordoña, Philip Salanguit, Tony Lugo, Francis Dizon, Roy Carbungco, Bing Jaraba, Ellen Oftial, Remy Raquel, Hugo Espineda, at Rolly Hernandez.

Sa resolusyong ibinaba ni Manuel noong 30 Hunyo 2013, lumalabas na dahil hindi nagbabayad bilang miyembro ang 16 na Concerned Members, wala silang karapatan makialam sa pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon, bumoto o magpatawag ng espesyal na pagpupulong. Limang taon rin silang pinagbabawalang maging miyembro ng Fiesta dahil diumano sa kanilang panggugulo sa administrasyon nina Manuel.

Ang 16 na ito, kasama pa ang karamihan sa kasalukuyang opisyales ng PFVI, ay nabibilang sa mga nagtataglay ng Lifetime Membership. Ang  Lifetime Membership ay sinimulan noong 1997 bilang pagbibigay pugay sa mga miyembro na naglingkod at nagbigay ng malaking kontribusyon sa pamamalakad ng Fiesta. Ang isa benepisyo nito ay hindi kailangang magbayad bilang miyembro ng PFVI.

espenidaSamantala, hindi nagbigay ng detalye sina Walkley sa mga hakbang na kanilang ginagawa subalit  sinabi nyang ang pagkakaalis sa kanila bilang miyembro ay pagbabale-wala sa karapatan ng mga miyembro na magpahayag ng kanilang karapatang magsalita tungkol sa pamamalakad nina Manuel. Hindi rin, aniya, nila papayagan na matuloy ang pagbebenta ng ari-arian sa Laverton. Karamihan sa kanila ay naging instrumento sa pagbili ng ari-arian sa Laverton.

Sa panayam, sinabi ni Finch na positibo lamang ang resulta ng kanilang aksyon nitong  mga nakaraang buwan at hindi nila ipagpapawalang bahala ang maling paratang at gawain ng mga taong may lihim na layunin. Ginagawa nina Manuel ang kanilang trabaho at magkakaroon ng Filipino Community Centre sa lalong madaling panahon at ito ay isang proyektong kayang tustusan ang sarili.

Tuloy ang Fiesta sa Nobyembre 23-24

Sa pinadalang impormasyon ni Mario Dumrique, Sekretarya ng PFVI, tuloy ang Philippine Fiesta. Ito ay gaganapin sa ika-23-24 ng Nobyembre 2013 sa Melbourne Showgrounds at may temang: “Tulungan: sa isip, sa puso at sa gawa”.

fiesta flyer

“People Power to Save the Laverton Proper

Fundraising to Save PFVI Laverton Property-page-0Sa kabilang banda, ang grupo nina Walkley ay magkakaroon ng “People Power to Save the Fiesta Laverton Property”, isang Bush Dance upang makalikom ng sapat na pondo para hindi maibenta ang Laverton property. Ito ay gaganapin sa ika-31 ng Agosto 2013 ala-sais y medya ng gabi sa Church Hall of Our Lady Help of Christian, Nicholson at Barkly Streets sa Brunswick.

Ayon kay Walkley, tumatayong lider ng CMPFVI, ang layon nito ay upang ipakitang ang Laverton property ay dapat ma-preserba at huwag maibenta. Nais rin ng grupo na ibalik ang integridad ng Philippine Fiesta bilang responsableng organisasyong Filipino. Ang lahat ng kanilang ginagawa, aniya, ay para sa susunod na henerasyon dahil kung hindi ito pahahalagahan ng mga Filipino ngayon ang PFVI at ari-arian sa Laverton, walang ibang magpo-protekta dito.

Hot this week

Business Foundations: How to Set up a Small Business in Australia

Australia’s business landscape overwhelmingly consists of sole traders and...

Australian Office Culture: What to Expect from Your First Job

What should I wear? How do I act professionally?...

Understanding Winch Ratings: Line Pull, Voltage, and Motor Power Explained

When selecting the right winch for your next project,...

The Connection Between Social Anxiety and Self-Esteem

Social interactions are an essential part of daily life...

10 Simple Ways to Make Your Home More Energy Efficient This Year

As energy prices continue to climb, Australians are increasingly...

Topics

Business Foundations: How to Set up a Small Business in Australia

Australia’s business landscape overwhelmingly consists of sole traders and...

Australian Office Culture: What to Expect from Your First Job

What should I wear? How do I act professionally?...

Understanding Winch Ratings: Line Pull, Voltage, and Motor Power Explained

When selecting the right winch for your next project,...

The Connection Between Social Anxiety and Self-Esteem

Social interactions are an essential part of daily life...

10 Simple Ways to Make Your Home More Energy Efficient This Year

As energy prices continue to climb, Australians are increasingly...

The Appeal of High-Rise Living in Melbourne: Views, Convenience, and Connectivity

In the heart of Melbourne’s ever-evolving skyline, high-rise living...

How to Style Pearl Jewellery for Everyday Wear

Pearls have long been associated with elegance, grace, and...

Top Benefits of Installing an Automatic Gate at Home

Home security and convenience have come a long way...

Related Articles

Popular Categories

spot_img