23.1 C
Sydney
Wednesday , 22 January 2025

Buwan ng Wikang Pambansa reflection

Must read

Rado Gatchalian
Rado Gatchalian
Rado Gatchalian, KCR is a member of the Order of the Knights of Rizal. He was the Past Eastern Australia Area Deputy Commander. He is known in the Filipino community in Sydney as “The FILOsopher,” a Filipino who loves to philosophise. 

INSUREKSYONIsang Pagmumuni sa Walang Katapusang Paghihimagsik

Tula ni Rado Gatchalian, KCR

"Ang insureksyon ay ang huling lunas, lalo na kapag ang mga tao ay naniniwala na ang mapayapang paraan ay upang matiyak ang mga remedyo para sa mga kasamaan ay nagpapatunay na walang saysay."
- Marcelo H. del Pilar 

Nakasangla na ang puso ko sa aking bayan
Hindi na ako susuko pa upang ito’y kalimutan,
Bagama’t halos gumuho na ang aking pangarap
At maubos ang aking pag-asa at natitirang lakas

Buong buhay kong pinaglalaban ang katuwiran, 
Ang matiwasay at maunlad na pamayanan,
Ang hustisya para sa kawawang mamamayan, 
Ang kadakilaan ng aking Lupang Sinilangan.

Kaawa-awa na ang aking bayang Pilipinas, 
May patutunguhan pa ba ang aking pinaglalaban?
May halaga pa ba itong aking handog na buhay?
May kaluwalhatian pa ba ang aking nagmamatyag na kamatayan?

Aking sinisintang Pilipinas, kung ang naghahari ma’y kasamaan, 
Kung ang liwanag ma’y halos hindi na matanaw, 
Ang bayang ang katuwang ay habang-buhay na paghihirap,
Kaawa-awa, kaaba-aba, para saan pa ang lahat ng aking pangarap?

Nasaan na ang bayang aking hinahanap?
Mula noong ako’y musmos pa lamang
Hanggang sa araw na ikaw ay aking iniwan,
Subalit hanggang ngayon ang tinitibok ay ang iyong pangalan.

Patawad, patawad aking nagpipighating bayan!
Ang pag-ibig kong sa iyo’y inalay, 
Bayaan mong kusang maghilom ang lapnos mong sugat
Ang luhang unti-unting pumapatak sa lupang napag-iwanan.

Kabataang Pilipino, nasaan ang inyong ligalig at pag-ibig?
Nasaan ang inyong ligayang kalakip ay katapatan sa bayan?
Paos na ang aking tinig sa pakikipaglaban sa kaaway, 
Marahil hindi ko na masisilayan ang bukang-liwayway.

Kung mayroon man akong kababayang nakikinig sa aking daing, 
Samahan niyo akong patuloy na manalig, 
Makibaka sa ikararangal ng ating Bayang Magaliw, 
Kung hindi man magtagumpay ngayon, bukas ay umaasa pa rin

INSURRECTION: A Reflection on Never-Ending Rebellion

Poem by Rado Gatchalian, KCR

(Translated in English by the author)

“Insurrection is the last remedy, especially when the people have acquired the belief that peaceful means to secure the remedies for evils prove future.”"
- Marcelo H. del Pilar 

My heart is already owned by my country
I will not surrender so that this will not be forgotten,
Although my dreams are almost shattered 
And my hope and remaining strength are exhausted

My whole life I have been fighting for what is right,
A peaceful and prosperous community,
Justice for the poor people
For the greatness of the Land of my Birth.

READ  Filipino Cultural Ambassadors to Be Honoured at Pamana Ball 2025

How miserable the condition of my country The Philippines,
Is there still a direction to what I fight for?
Is there still value in this life I offer?
Is there glory to my forthcoming death?

My beloved Philippines, if the evil prospers,
If the light is no longer visible,
A land partnered with lifelong suffering,
How pitiful, how miserable, what is the use of all my dreams?

Where is the country I am looking for?
From the time when I was still young
Until the day when I left you, 
But up to now, your name is the beat of my heart.

Forgive me, forgive me my grieving country!
The love I gave to you, 
Let your open wound heal by itself, 
Your tears slowly drop to undeveloped land.

Filipino Youth, where are your worries and love?
Where is your happiness which is paramount to loyalty to the country?
My voice is already tired of fighting the enemy, 
Perhaps I will no longer see the dawn in the morning.

If I have my fellow countrymen who could hear my sentiment, 
Join me to remain faithful, 
To fight for the honour of our Beloved Country, 
If today we are not successful, perhaps we can still hope for tomorrow!


Si Rado Gatchalian ay isang likas na makata na nagsimula noong bata pa lamang siya. Bagama’t tubong Pangasinan, siya ay nahumaling sa wikang Filipino. Nagsilbing Literary Editor ng Luzon Collegian noong siya’y isa pa lamang mag-aaral ng Bachelor of Arts major in Philosophy and Psychology sa University of Luzon, Dagupan City. 

Naging makulay ang kanyang buhay bilang isang guro, lider, orator at manunulat hanggang siya ay lumipad patungo ng Sydney, Australia. At kahit malayo man sa Lupang Sinilangan, si Rado ay patuloy sa kanyang paglikha ng mga tula at panulat sa wikang Filipino. 

Siya ay nagsusulat ng mga tula sa ilang pahayagan at sa kanyang Facebook pages gaya ng Tula’t Panulat Para Kay Rizal, TulaMusika, TuLarawan, at iba pa. Siya rin ay nagbabasa ng mga tula sa radyo. Ang ilan sa kanyang mga piling tulang handog sa ating Kamalayang Pilipino ay ang “Desiderata Para sa Pilipino,” “Rizal, turuan mo akong lingunin ang kahapon” at “Subukan Mong Lumayo, Paminsan-minsan.” 

Si Rado Gatchalian ay isang makata, pilosopo, makabayan at higit sa lahat isang Pilipino.

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article